Tuesday, December 05, 2006

Panaginip

Para sa minamahal minahal mamahalin
Ang akdang ito ay isang bangungot panaginip pangarap
Walang sasay ngunit naiisip pa rin
Nabubulabog
Mangyayari ba tlga ang nais?

Ako'y lilipad hahanapin bibisita
Sa isang brilyanteng aking kinapupusuan
Sa pagkatagpo..hihinga pipikit hihinga ulit ng maingat
Hahamaking mapasarili muli
Ang brilyanteng aking kinapupusuan
Hahamaking mapanatili pa rin
Itong brilyanteng aking kinapupusuan

Ngunit mahirap..ewan ko..napakahirap
Dahil hindi ito naangkin
Paiba-iba ito ng hugis at itsura
Minsa'y nagpapalit din ng pangalan
Hindi talagang malalaman kung anung tamang gawin

Nakita ko na ang brilyanteng aking kinapupusuan
May kausap..nakangiti..
Tila wala na talagang pahid ng pagkatao ko
Bumalik na yata sa dating hugis at itsura bago pa man siyang natagpuan
Bumalik sa dati ang pangalan
Puso'y biglang nasaksak nanghihingalo namamatay
Puso'y ding nangarap

"Baka kulang pa nga ang nakikita. Tama."

Susubukang tingnan mabuti hanggang ang kasalungat ang nangyari
Siya na ang tumitingin
Palapit na
Humigpit ang hawak sa kuwintas na tila agimat
dahil may kapangyarihan nga ito
Bubukas ang labi
Magsasalita..kakausapin ang pinagmasdang babae..
At walang narinig ang babae

Para sa minamahal minahal mamahalin
Ang akdang ito ay isang bangungot panaginip pangarap
Walang sasay ngunit naiisip pa rin
Nabubulabog
Mangyayari ba talaga ang nais?